Tuesday, June 21, 2016

Napapagod Ka Na Ba

Napapagod Ka Na Ba
By Carlo Gamboa


Napapagod ka na ba sa buhay?
Iyong araw-araw na pagsubok na walang humpay,
Na sa bawat tibok ng puso mo ay kaba ang bigay,
Napapagod ka na ba sa buhay?

Ano ba yung pagsubok ngayong araw?
Bagay bang kulang sayo, o isang gabing mapanglaw?
O di kaya’y isang problemang dala ng puso mong uhaw,
Itong pag-ibig na inaasam, para bang ligaw

Kung iisipin mo’y nakakapagod nga naman,
At bakit walang tigil itong  nginig na ng laman,
Bakit? Bakit? Bakit?, ang tanong sayong isipan,
Ako pa bang sa mundo ang bait ay tangan

Napapagod ka na ba sa buhay mo?
Sapagkat nais ko lang sabihin ay “huwag po”
Dahil ang puso kapag sa pag-asa ay puno
Ay kakapit pilit at kusang tatayo.